Blue Alert Status, Itinaas Ng Ndrrmc Dahil Sa Banta Ng Pagsabog Ng Mt. Bulusan Sa Sorsogon

30

SORSOGON – Isina-ilalim na sa blue alert ang provincial unit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Sorsogon kasunod ng sunod-sunod na pagsabog kahapon ng Mt. Bulusan.Kasunod nito, pina-aalerto na rin ang anim na munisipalidad na nasa paligid ng bulkan na kinabibilangan ng Casiguran, Barcelona, Gubat, Juban at Irosin.Batay sa tala ng PHIVOLCS apat na beses nagbuga ng abo ang Bulusan na aabot sa 2.5 kilomentro mula sa bunganga nito, pasado alas 3:30 ng hapon, kahapon.Nakitaan din ng maliit na bitak sa timog-silangang bahagi ng crater nito.Nagkaroon din ng pagyanig na tumagal ng labing limang minuto.Sa ngayon ay pinalawig na ng dalawang kilometro ang four kilometers danger zone ng Mt. Bulusan.

Facebook Comments