Itinaas na sa Blue Alert Status ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 – Emergency Operations Center bilang paghahanda sa tatlong malalaking pambansang pagtitipon na gaganapin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Layon ng alert status na ito na mapaigting ang koordinasyon, pagbabantay, at mabilis na pag-uulat sa pagitan ng RDRRMC, Department of Education (DepEd), at iba pang katuwang na ahensya, kaugnay ng pagdaraos ng 2025 National Festival of Talents (NFOT) at National Schools Press Conference (NSPC).
Naganap na rin ang isang pagpupulong ukol dito kung saan iniatas sa mga kawani ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad, pagbibigay ng medical assistance, at pagtutok sa kapakanan ng mga delegado at publiko.
Puspusan na rin ang paghahanda ng mga ahensya upang matiyak ang kaayusan at maisagawa nang mapayapa at ligtas ang mga nasabing national events.
Samantala, parehong gaganapin sa Ilocos Sur ang NFOT at NSPC, habang ang Palarong Pambansa ay idaraos naman sa Ilocos Norte.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments