BLUE ALERT STATUS, ITINAAS SA BJMP ILAGAN BILANG PAGHAHANDA SA UNDAS

CAUAYAN CITY- Nakataas sa blue alert status ang hanay ng Bureau of Jail Management and Penology Ilagan bilang paghahanda sa nalalapit na undas.

Sa panayam ng IFM News Team kay SJO4 Daniel Gaduena, ang direktiba na ito ay ibinaba ng Regional Office kung saan limampung porysento ng tauhan ng BJMP ang itatalaga sa undas.

Aniya, bagama’t ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) ay hindi nakakapunta sa sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay nag-aalay naman ang mga ito ng dasal sa loob ng piitan.


Dagdag pa ni SJO4 Gaduena, inaasahan ng kanilang hanay na dadagsa ang bilang ng mga dadalaw sa piitan kung kaya’t mahigpit na pinapaalala na bawal magdala ng mga kontrabando sa loob katulad ng alak at sigarilyo.

Sa pamamagitan nito ay mapapanatili ang kaayusan at kapayaan sa loob ng piitan kung kaya’t nararapat na sundin ang mga ipinatutupad na patakaran ng BJMP.

Facebook Comments