
Hindi na ibinaba pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ‘Blue Alert’ status kahit pa nakalabas na ng bansa ang bagyong Isang.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Junie Castillo, nananatili sa Blue alert ang status ng NDRRMC at OCD dahil sa Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kasama ang epekto ng Habagat.
Ibig sabihin, mas marami nang duty officers ang nakatalaga sa NDRRMC upang tumutok sa monitoring at koordinasyon.
Kabilang sa mga ipinatawag para tumulong sa operasyon ang dagdag na tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang ahensya ng gobyerno.
Nakahanda narin ang mga rescue equipments at mga family food packs.
Layon ng hakbang na masiguro ang mabilis na pagtugon sakaling kailanganin sa gitna ng masamang lagay ng panahon.









