Patuloy na nakataas ang Blue Alert Status sa buong probinsya ng Pangasinan kasabay ng pagtatapos ng tinatawag na Super Long Weekend.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Operations Head Vincent Jun Chiu, hanggang matapos ang Long Weekend ay hindi aniya sila magbababa ng alert status.
Napansin din aniya nila na tila mas kunti ang mga insidente na may kinalaman sa pagbabakasyon ng mga kababayan hindi katulad ng mga nakalipas na taon.
Marahil aniya ay naging leksyon na din sa ating mga kababayan ang mga insidente ng mga nakalipas na taon na nakapagtala ng mga pagkalunod at iba pa.
Nagpaalala naman ito sa mga nagpaplano na samantalahin ang natitirang araw ng Long Weekend na mag ingat at iwasan na lang uminom kung may mga aktibidad na gagawin gaya ng pag mamaneho at pagligo sa dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments