Itinaas na ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 – Emergency Operations Center sa Blue Alert Status kasunod na inaasahang epekto ng Bagyong Crising.
Alinsunod dito, nagsagawa na rin ang pamunuan ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Scenario Meeting kasama ang iba’t-ibang concerned agencies.
Ilang mga bayan na sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, kung saan ilang mga lokal na pamahalaan na rin ang nagdeklara ng suspensyon ng klase.
Samantala, nauna nang inihayag ng Office of the Civil Defense ang nararapat na paghahanda ng mga LGUs tulad ng disaster response plan at iba pa, upang matugunan ang mga posibleng maaapektuhang mga residente. Pinaalalahanan din ang publiko na maging alerto sa mga epekto ng pag-uulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









