Inaasahang itataas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayon araw sa blue alert status para sa tropical depression Chedeng na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Pinayuhan ng NDRRMC ang publiko na maghanda at patuloy na magbantay sa lagay ng panahon sa radyo, telebisyon at social media.
Inabisuhan din ang mga turista na kanselahin ang mga aktibidad nito tulad ng mountaineering at swimming hanggang sa malakabas ng bansa ang bagyo o malusaw ito.
Ang NDRRMC, katuwang ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) at PAGASA ay patuloy ang assessment sa mga lugar sa Mindanao na posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa at pagbaha.
Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naka-prepositioned na ang mga items at equipment na kailangan para sa response sa kanilang regional offices.
Ipina-aalerto na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang “oplan listo” protocols.
Kasalukuyang nasa white alert status ang bansa.