Blue economy, patuloy na isinusulong ni PBBM para mapangalagaan ang karagatan at kabuhayan ng mga mangingisda

1rPursigido si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na isulong ang tinatawag na blue economy na layunin ay mapaganda ang karagatan sa bansa.

Sa pagharap nito sa Filipino community sa Brussels, Belgium, sinabi ng pangulo na hindi lamang malinis na karagatan sa pagsusulong ng blue economy sa halip higit sa lahat ay malaking pakinabang din ito sa mga mangingisda.

Sadyang marami na aniyang basura sa mga karagatan na nakapagpapahirap sa kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy maliban pa sa nakikitang pagkasira ng karagatan.


Kapag napaganda ayon sa pangulo ang karagatan kung saan nakakakuha ang mga mangingisda ng kanilang ikinabubuhay, magiging tuloy-tuloy ang kabuhayan maging ang magandang kita para sa kanila.

Kaugnay nito ay pinupursige rin ng Marcos administration ang green economy na makakapag-ambag din ayon sa pangulo para mapigilan ang paglala pa ng climate change.

Facebook Comments