Monday, January 19, 2026

Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson, may babala sa mga kritiko ng ghost flood control projects hearing

Mariing nagbabala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” Lacson sa mga tumutuligsa sa isinasagawang imbestigasyon ng komite kaugnay ng umano’y ghost flood control projects.

Iginiit ni Lacson na insensitive at isang malaking insulto sa sambayanang Pilipino ang mga pahayag na inilalarawan bilang inutil at walang silbi ang Senate Blue Ribbon Committee.

Babala ng senador sa mga kritiko, naninira, at umano’y mga hijacker ng pagdinig na hindi mapapatahimik ng kanilang mga ingay ang katotohanan at hindi rin ito nakatutulong sa imbestigasyon.

Dagdag pa ni Lacson, hindi ang ingay o paninira ang magpaparusa sa mga sangkot sa flood control anomaly kundi ang matitibay na ebidensiya.

Samantala, kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Acting Secretary Frederick Vida na pormal na magpapadala ang ahensya ng kahilingan sa Senado upang mailipat sa kustodiya ng DOJ si dating Department of Public Works and Highways (DPWH)–Bulacan District Engineer Henry Alcantara.

Positibo naman ang naging tugon nina Senate President Vicente Sotto III at Lacson hinggil sa planong paglilipat ng kustodiya ni Alcantara sa DOJ.

Facebook Comments