Blue Ribbon Committee, inaasahang magkakasa ng imbestigasyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Inaasahang magkakasa agad ng imbestigasyon sa mga ghost flood control project si Senate President pro-tempore Ping Lacson sa pagbabalik nito bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee (BRC).

Ito’y matapos kumpirmahin ni Senate President Tito Sotto III na syento por syentong tatanggapin muli ni Lacson ang pagiging Chairman ng naturang komite.

Ayon kay Sotto, posibleng sa ikalawang linggo ng Nobyembre ay itatakda ang susunod na pagdinig sa flood control project anomalies.

Gayunman, posibleng mas mapaaga pa ito, depende sa magiging pasya ni Lacson.

Naniniwala naman ni Sotto na dahil sa lawak ng mga anomalya sa mga ghost project ay hindi lamang malilimita sa flood control projects ang imbestigasyon ng BRC.

Kailangan aniyang mapalawak ang pagsisiyasat ng BRC sa iba pang substandard at ghost projects ng ibang ahensya tulad sa Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at kahit sa PhilHealth.

Facebook Comments