Blurred photos ng mugshot ni Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito, dinepensahan ng PNP

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) sa mga puna ng netizens kung bakit naka-blur ang mga mugshots nina Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ang pag-blur ng mga mugshots at pag-alis ng pangalan sa mugshot ay bilang pagtugon sa kautusan ng Commission of Human Rights (CHR) para protektahan ang kanilang dignidad dahil sila’y ” presumed innocent” hanggang sila’y mapatunayang guilty.

Ani Fajardo, ganito rin ang ginagawa nila sa ibang mga akusado sa mga nakalipas na operasyon.


Samantala, tiniyak din ni Fajardo na sina Quibuloy at mga kapwa akusado nito ang iniharap sa presscon ng PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon.

Pinagbigyan lamang nila ang hiling ng kampo ni Quiboloy na matakpan ang kanilang mukha habang sila ay priniprisenta sa publiko.

Samantala, patuloy na nakaantabay ang mga kagawad ng media sa isasagawang presscon ni Col. Fajardo dito sa Kampo Crame.

Bibigyang linaw ng opisyal kung ano ang susunod na hakbang lalo na’t may kautusan na ang Quezon City Regional Trial Court na ilipat sina Quiboloy ng detention facility.

Facebook Comments