Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – “Kung gusto mo lang ang salita, tanungin ang kalalakihan; Kung gusto mo ng resulta,tanungin ang kababaihan” mula kay Margaret Thatcher. Ito ang nakakasiglang sipi na ibinahagi ni First District Board Member Maria Olive Pascual kaugnay sa programa at selebrasyon ng Women’s Month na kaalinsabay sa PRO2 Monday flag Raising Ceremony na ginanap sa PRO2 Granstand, March 26, 20018.
Sa ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Chevalier R. Iringan, Chief, Regional Public Information Office, naging panauhing pandangal si Honorable Maria Olive Pascua sa aktibidad na may temang “We make Change Work for Women”.
Sa naging mensahe ni BM Pascual o mas kilalang “Babaeng Maasahan”, ipinaliwanag niya na ang nasabing tema ay isa umanong magna carta para sa kababaihan na mas paigtingin ang implementasyon nito sa lahat ng lebel partikular sa mga programa at serbisyo na sasagot sa mga panganagilangan ng kababaihan.
Samantala ang salitang ‘Change” umano ay isang pagbibigay ng pagbabago sa imahe ng kababaihan na bigyan ng isang aksyon at ipabatid sa karamihan ang pantay na pagkilala at pagtingin sa kakayahan ng kababaihan.
Kaugnay nito, kinilala ang naging kakayahan ng limang Women’s of the Police Service (WPS) sa kanilang mga ginawa bilang Public Safety Officer.Ang Medalya ng Kagalingan ay sina PO2 Eunielyn A. Valdez ng Allacapan PS, Cagayan PPO at PO2 Irene S. Wanden ng Iguig PS, Cagayan PPO. Samantala ang Medalya ng Papuri ay sina Police Senior Inspector Novalyn C. Aggasid ng Solano Police Station, Nueva Vizcaya PPO; Police Senior Inspector Julia A. Mejia ng Snata Fe Police Station Nueva Vizcaya PPO at PO2 Mylene E. Beltran ng Sto. Nino Police Station, Cagayan PPO.
Pinangunahan ni BM Maria Olive Pascual ang pinning ceremony na ginabayan nman ni police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino, Regional Director ng Police Regional Office 2.