Board committees ng Maharlika Investment Corporation, nagpulong na sa kauna-unahang pagkakataon

Naisagawa na kahapon ang unang beses na pagpupulong ng mga board committees ng Maharlika Investment Corporation.

Sa ulat ng Presidential Communications Office, tinalakay ng board ang fund capitalization at ang potential sectors na maaring hingiian ng tulong upang makuha ang multigenerational commercial, economic, at social development value creation.

Sa pagpupulong nagnominate ang mg ito ng chairpersons para sa Board Committees, bumuo ng karagdagang Committees, at tinalakay ang iba pang. administrative matters.


Kasama sa Maharlika Investment Corporation si Secretary of Finance Benjamin Diokno bilang Chairperson na nasa ex officio capacity, President at Chief Executive Officer (PCEO) Rafael Consing Jr.., bilang Vice Chairperson.

Iba pang miyembro ng MIC ay ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) PCEO Ma. Lynette V. Ortiz, Development Bank of the Philippines (DBP) PCEO Michael O. de Jesus, mga Directors na sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco II, at Roman Felipe Reyes.

Dumalo rin sa pagpupulong ang Fund’s Advisory Body, na binubuo ng Secretary of the Department of Budget and Management (DBM) na represented ni Undersecretary Leo Angelo M. Larcia at Bureau of the Treasury (BTR) Treasurer Sharon P. Almanza.

Ang MIC ay binuo sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11954, na nagsisilbi bilang primary vehicle para sa pagpapatakbo at pagpapagana ng Maharlika Investment Fund ang kauna unahang severeign wealth fund ng Pilipinas.

Ang MIF rin ay nakabatay sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration para sa poverty reduction at Philippine Development Plan (PDP) 2023 hanggang 2028 para sa mas malalim na economic at social transformation.

Facebook Comments