Board Member ng Bohol na kinasohan ng Parricide, inilipat ng kulungan

188

Iniskortan ng sampung pulis in full battle gear si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel nang dinala ito pabalik ng Lalawigan ng Bohol kagabi .

Binyahe na patungong Bohol si Board Member Boniel na ikinulong dito sa Cebu matapos nag-issue ng order ang korte na ilipat at I-commit na ang naturang opisyal sa Talibon District Jail samantalang ni-reresolbar pa ng korte ang kasong kidnapping, serious illegal detention, at parricide kinahaharap niya .

Ikinulong si Boniel sa Fuente Osmeña Police Station ng Cebu City kamakailan lang matapos itong naaresto noong nakaraang ika-pito ng Hunyo matapos siya ang itinuturo na pumatay sa kanyang asawa na si Bien Unido Bohol Mayor Gisela Boniel at itinapon sa dagat sa pagitan ng Caubian at Olango Island ng Lapu-Lapu City dito sa Cebu . ​


Facebook Comments