Board member ng Bohol na kinasuhan ng parricide, inilipat ng kulungan

130

Bohol, Philippines – Iniskortan ng sampung pulis in full battle gear si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel nang dinala ito pabalik ng lalawigan ng Bohol kagabi.

Binyahe na patungong Bohol si Board Member Boniel na ikinulong dito sa Cebu matapos nag-issue ng order ang korte na ilipat at i-commit na ang naturang opisyal sa Talibon District Jail samantalang ni-reresolba pa ng korte ang kasong kidnapping, serious illegal detention, at parricide na kinahaharap niya .

Ikinulong si Boniel sa Fuente Osmeña Police Station ng Cebu City kamakailan lang matapos itong naaresto noong nakaraang ika-pito ng Hunyo matapos siya ang itinuturo na pumatay sa kanyang asawa na si Bien Unido Bohol Mayor Gisela Boniel at itinapon sa dagat sa pagitan ng Caubian at Olango Island ng Lapu-Lapu City dito sa Cebu.


Facebook Comments