Board Member ng Isabela, Pinagbantaan!

San Mariano, Isabela – Humingi ng tulong sa kapulisan ng San Mariano, Isabela si provincial board member Marcelino “Payan” Espiritu, kinatawan ng indigenous people sa panlalawigan konseho ng Isabela.

Batay sa sumbong ni Espiritu sa PNP San Mariano, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang nagngangalang Boyet Ferrer na taga barangay Casala San Mariano, Isabela

Aniya, pinagbantaan siya nito na bilang na ang kanyang oras.


Sa panayam ng RMN Cauayan News Team sa mismong opisyal, nag-ugat umano ang pagbabanta matapos niyang kuhaning empleyado sa kanyang opisina ang asawa ng naturang lalaki.

Dahil dto agad na nagsumbong sa kapulisan si Espiritu.

Nakatakda namang imbitahan sa PNP San Mariano ang inirereklamong si Ferrer upang linawin ang inaakusang paratang.

Facebook Comments