Board of Director ng Bangko, Nakaligtas sa Pagsabog ng Granada

459

Cauayan City, Isabela- Maswerteng nakaligtas sa pagsabog ng granada ang board of director ng isang bangko sa Cauayan City habang sugatan naman ang suspek sa nangyaring insidente bandang 3:30 kahapon sa municipal road ng Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Erwin Tabucol, 56-anyos at residente ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ni PCAPT. Gil Pagulayan, hepe ng Cabatuan Police Station, inabangan ng suspek at hinagis ang granada sa sasakyan ng biktima subalit tumalbog ito patungo sa likurang bahagi ng sasakyan na agad namang sumabog.

Dagdag pa ni Pagulayan, tinamaan sa pagsabog ng granada ang suspek na patuloy na inoobserbahan ngayon sa isang pagamutan dahil sa tinamong sugat sa kanyang kanang dibdib.

Palaisipan pa sa ngayon ang motibo sa insidente batay na rin sa naging salaysay ng biktima.

Sa ngayon ay itinago muna sa pagkakakilanlan ang suspek para sa pag-usad ng kaso laban dito habang  inaalam pa kung mayroon pang ibang sangkot na kasamahan ang suspek.

Facebook Comments