Manila, Philippines – Bumuo na ang Armed Forces of the Philippines ng board of inquiry na mag-iimbestiga sa pagkasawi ng labing-isang sundalo at pagkasugat ng pitong iba pa matapos magsagawa ng airstrike ang Philippine Air Force sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., si Major General Rafael Valencia ang magsisilbing pinuni ng board of inquiry.
Sa kabila ng insidente – tuloy pa rin anya ang paggamit ng air at naval assests ng militar para tuluyang mapulbos ang Maute Group.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – posibleng abutin ng tatlo hanggang limang araw ang timeline ng gagawing imbestigasyon.
Hindi rin aniya precision guided missile o ammunition ang ginamit sa friendly fire.
Giit ni Lorenzana, mas makabubuti na hintayin muna ang magiging resulta ng imbestigasyon bago gumawa ng anumang pahayag.
Alam na rin aniya ni Pangulong Duterte ang pangyayari na labis na ikinalungkot ng commander-in chief.
DZXL558