Sports – Nilinaw ngayon Gilas Pilipinas cadet na si Bobby Ray Parks Jr. na hindi muna ito papasok sa PBA Rookie Draft ngayong taon.
Matapos na humabol si Fil-German Christian Standhardinger sa draft, marami ang nagtaka kung bakit hindi pa nagpasa ng aplikasyon si Parks Jr.
Ayon kay Rayray, mas prayoridad daw niya ngayon ang makapaglaro ng isa pang season sa Alab Pilipinas na sasabak sa ASEAN Basketball League.
Pag-iisipan na lamang niya ang susunod na hakbang pagkatapos ng nasabing liga.
Posible sanang mapasama sa top 3 pick ang 6-foot-4 na guard sakaling ikonsidera nito ang pagsali sa draft.
Facebook Comments