Bobbyscopes hatid ni Bobby Lu (June 25, 2018)

Alamin na ang kapalaran mo ngayong umaga, Lunes, June 25, 2018
BOBBYSCOPES hatid ni Bobby Lu
ARIES (Mar 21 – Apr 19) Dapat bawasan ang sobrang bilib sa sarili ngayong linggong ito. Matutong lumugar base sa itsura.
TAURUS (Apr 20 – May 20) Isang kaibigang matagal nang hindi nakakadaupang palad ang muli mong makakatagpo. Ipapaalala niya sayo ang nakaraan, kagaya na lang ng utang mong sampung libo.
GEMINI (May 21 – Jun 20) Swerte ang kulay na dilaw para sa iyo ngayong araw na ito. P.S Para sa mga Aries na mapuputi lang.Masagwa, kaya black na lang black!
CANCER (Jun 21 – Jul 22) Ito na ang tamang panahon para magtapat ng nararamdaman sa taong matagal mo nang iniibig. Kung may asawa na, ang iniibig mo. Manahimik ka na lang shatap!
LEO (Jul 23 – Aug 22) Iwasan ang pagshoshortcut o ang pagkahilig sa mga shortcut at eskinita. Makakasalubong mo ngayong araw ang tunay na asawa ng kabet mo.
VIRGO (Aug 23 – Sep 22) Ienjoy ang bawat pagpasok at paglabas ng problema sa iyong buhay. Huwag masyadong madiliin ang mga bagay bagay. Mahirap na kapag bigla na lang PUMUTOK ang iyong mga nararamdaman. Mas mabuti na yung nagiingat
LIBRA (Sep 23 – Oct 22) Hindi magiging mabuti para sa mga taong nakapaligid sayo kung magsasalita ka ng hindi maganda. Hindi maganda ang amoy ng hininga mo.Toothbrush toothbrush din kase.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Matutong sundin ang sinasabi ng iyong kutob. Malamang sa malamang, hindi na matiis ng syota mo yung amoy mo kaya ka niya iniwan.
SAGITTARIUS (Nov 22 – Dec 21) Panahon na para ibaon sa limot ang nakaraan. Ngunit wag ibaon sa limot ang bayarin sa kuryente tubig at iba pa.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Iwasang mag suot ng pink at gray na damit lalo na kapag walang deodorant upang makaiwas maka offend ng katabi lalo na sa pampublikong sasakyan.
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 16) Tumingin ng mabuti sa nilalakaran, wag mashadong maghanap ng pogi o maganda madi disappoint ka lang, wala kasing mashadong ganun sa umaga.
PISCES (Feb 19 – Mar 20) Ate, iwasang magkilay sa sasakyan para pumantay, kuya umiwas mo ang mga babaeng pisces, baka matabig mo, nagkikilay pa nga sila eh diba? Baka masabunutan ka.

Facebook Comments