Bobbyscopes hatid ni Bobby Lu (June 28, 2018)

Alamin na ang kapalaran mo ngayong araw, Thursday, June 28, 2018
BOBBYSCOPES hatid ni Bobby Lu
ARIES (March 21 – April 19) Tama na muna ang trabaho at pagintindi sa iba. Sarili mo naman muna ang isipin mo. Wala ka ngang pera, ang dugyot mo pa.
TAURUS (April 20 – May 20) Magiging masigla ang buhay pag-ibig mo ngayong Hunyo. Kung single ka, matatapos ang buwang ito ng single ka pa rin. Huwag kang mag-alala. Next month, single ka pa rin.
GEMINI (May 21 – June 20) Ikaw ang maliit na nakakapuwing. Ikaw rin ang maliit na talagang magaling. Ngunit anuman ang mangyari…. Maliit ka pa rin! Bulilit bulilit!
CANCER (June 21 – July 22) Susuwertihin ka ngayon sa paghahanap-buhay, kung may kainan, maraming kustomer ang dadayo sa iyong tindahan ngayong araw. Ingat ka nga lang. Dahil sa sampung kakain, isa lang don ang magbabayad.
LEO (July 23 – August 22) Isang taong may angking kagandahan o kagwapuhan ang iyong makikila sa isang pagtitipon. Matutuwa ka sapagkat, lalapit siya sayo at sasabihing “open minded ka ba sa business?”
VIRGO (August 23 – Sept 22) Hindi matutuwa ang mga kaibigan sa pagiging sobra mong malapit sa kanila. Kasi, hindi ka na nga naligo, dikit ka pa nang dikit!
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Nahihilo, nalilito, nasaan ba ako. Yan ang iyong kakantahin, dahil hindi mo alam kung saan ka na papunta. Tanong tanong din kapag naliligaw na.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Maniwala ka sa nararamdaman mo. Mamaya magbabayad sayo yung kaibigan mong may matagal ng utang. Pero kalahati lang ang ibanayad. Wow.
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 1) Wag masiyadong sugapa sa tubig ngayong araw. Malayo ang biya biyahehin mo. Baka pumutok ang pantog kapag nag pigil ka ng ihi mo
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Maganda ang iyong umaga. Hanggang sa mapansin mo ang damitan mo na gulo gulo at may sulat mula sa iyong nakababatang kapatid na “Peram muna, labhan ko na lang pag uwi.”
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Bago mag sisigaw at magalit i check muna ang hininga, baka sila naman ang magalit sayo.
PISCES (Feb 19 – March 20) Magkaka titigan kayo ng crush mo, ngi ngiti siya sayo, lalapitan ka niya, sasabihing crush ka din niya. Sabay sabi ng “Just Kidding”

Facebook Comments