Bobbyscopes! (July 03, 2018)

Narito na ang iyong kapalaran ayon sa aking BABAng Kristal. Ito na ang bobbyscopes ni Bobby Lu!
ARIES (March 21 – April 19) Hindi ito ang oras para magsipag-sipagan sa trabaho at magkunwaring bayani dahil wala kang maloloko dito. Ni mag-abot nga ng bayad sa jeep ng kapwa pasahero di mo magawa eh,wow! Pabibo mo uy! Wag ako
TAURUS (April 20 – May 20) Dahan-dahanin lamang ang pagiging pala-utos sa anak. Anak mo yan te, hindi katulong. Kawawa naman oh.
GEMINI (May 21 – June 20) Malaking bagay sa iyo kung gagalingan mong makiramdam sa mga tao sa paligid mo. Oo at marami kang pasahero, pero hindi lahat dun nagbabayad uy!
CANCER (June 21 – July 22) Kailanman ay hindi naging mabuti na lokohin ang iyong sarili. Tigilan mo na ang pagpapaload dahil alarm clock lang naman ang gamit ng cellphone ng mga single na kagaya mo.
LEO (July 23 – August 23) Talagang masinop at makakalikasan kang tao kayat hilig mo ang mag-recycle, ngunit wag mo nang syotain pa ang ex ng tropa mo. Sa pag ibig, hindi uso ang “pwede pa to, wala pang five minutes”
VIRGO (August 23 – Sept 22) Wag ka masyadong mareklamo. Bago mo isiping sobrang hirap ng trabaho mo, isipin mo munang mas mahirap yung walang makain kasi wala kang trabaho.
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Mag basa ng balita ngayon. Wag masyado nag papaniwala sa tsismis ng kapit bahay, baka ma fake news ka. Mas maganda kung meron kang alam.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Bumili ng damit ng mas malaki ng isang size kaysa sayo, advance ka dapat mag isip, isipin mo tataba ka pa at least yung maluwag magiging fit paglipas ng panahon.
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 1) Hindi ka mapakali, parang mabigat ang iyong dala dala. Huminga ka ng malalim, at ilabas ang masamang hangin. Pagkatapos nito’y makakaramdam ka ng ginhawa.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Tignan mo ang mga assignments at quizzes mo nung nakaraan, pansinin mo grades mo, pababa ng pababa. Parang spaghetti. Pataasin mo naman huy, mahiya ka.
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Magpapawis ngayong araw. Tumakbo o mag buhat sa gym, siguradong gaganda ang iyong pakiramdam. Wag ka lang maaamoy ng katabi mo at baka siya naman ang sumama ang pakiramdam.
PISCES (Feb 19 – March 20) Kung may tampuhan kayo, subukan mo makipag usap sa kaniya, pustahan pataasan nanaman kayo ng pride tapos mag aaway ulit. Wag na lang pala kayo mag usap, hayaan mo na. Wow.

Facebook Comments