Bobbyscopes! (July 04, 2018)

ARIES (March 21 – April 19) Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magsalita at maglabas ng sama ng loob. Lalo na kung bagong gising. Baka sumama ang loob ng kausap mo sayo.
TAURUS (April 20 – May 20) Ito na ang araw na pinakahihintay mo. Magpapakita na siya sayo at sasabihing “mare, pwede bang next month na lang ulit yung utang ko?”
GEMINI (May 21 – June 20) Hindi lahat ng bagay ay nasosolusyunan ng pera. Ngunit kung away lang naman ninyo ni misis ang problema, wala ka nang kakailanganin pa kundi pera.
CANCER (June 21 – July 22) Napakaswerte mo pagkat parating na ang taong nakatadhana para sa iyo at iyong pakakasalan. Kaso wala ka pa palang ipon, kaya itext mo siya na dumaan sa EDSA. Baka sakaling medyo matagalan.
LEO (July 23 – August 23) Tandaan mong hindi mo kailangang magbago para sa ibang tao o para sa kahit na sino. Kaya magpapayat ka na para sa sarili mo, grabe ka, pati tyan mo sumusuko na yo. Puputok na oh.
VIRGO (August 23 – Sept 22) Gawin ang lahat para sa iyong minamahal. Pero wag naman pag wala ka nang makain. Bigas muna, bago load ng syota mo uy!
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Napaka ganda ng araw na ito para sayo! Mag sho shopping ka, mamamasyal, kakain sa masarap! At take note ikaapat na araw pa lang ng buwan, sa akinse pa sweldo pero wala ka ng pera.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Mahihirapan ka mag isip. Tutulo ang iyong mga pawis, susubukan mo ngunit mapapalaban ka. Hindi mo na kasi alam paano pag kakasyahin ang pera mo para sa tatlo mong anak na masisiba kumain.
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 1) Malakas ang bugso ng hangin, mabilis ang galaw nito, hanggang sa dahan dahan itong babaho dahil ngayon dadaan ang truck ng basura para mangolekta. Wag feeling nasa titanic te.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Hawakan mabuti ang mga plato kapag nag huhugas. Hindi yan dahil sa sabon, dahil yan sa mantika. Ang tamad tamad mo kasi mag hugas, ayaw ayusin, kita mo ang sebo tuloy!
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Kailangan mo maabot ang mga pangarap mo ngayong araw. Bawal ang tatamad tamad, kailangan mabilis kang kumilos, lalo na kapag rush hour, sige pag binagalan mo, lagot ka nanaman sa boss mo kasi late ka.
PISCES (Feb 19 – March 20) Bibilis ang tibok ng iyong puso, lalo na kapag nakita mo si crush. Malamig ang pawis na dadaloy sa iyong katawan, at doon mo mapapansin, naka apat na tasa ka na pala ng kape. Werpa! Palpitate pa more. Inom din ng tubig pag may time!

Facebook Comments