BOC, all set na sa pagsasagawa ng public auction ng mga nakumpiskang luxury vehicle ng pamilya Discaya

Kasado na ang isasagawang public auction ng Bureau of Customs (BOC) para sa mga nakumpiskang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Discaya ngayong umaga sa tanggapan ng ahensiya.

Sa pahayag ng BOC, nasa lima hanggang sampu ang nagparehistro para sa magaganap na bidding.

Gayunman, wala pa umanong impormasyon kung alin sa mga sasakyan ang tatangkain nilang i-bid.

Kabilang sa mga ibebenta ang Mercedes-Benz G500, Lincoln Navigator, Toyota Tundra, Bentley Bentayga, Mercedes-Benz G63, Toyota Sequoia, at Rolls-Royce Cullinan.

Nagkakahalaga ang bawat unit ng humigit-kumulang 5 hanggang mahigit 40 milyong piso.

Matatandaan na kinumpiska ng BOC ang mga sasakyang ito dahil sa kawalan ng patunay na lehitimo ang pagpasok ng mga ito sa bansa.

Tanging ang mga nagpalistang bidder lamang ang makakasama sa aktibidad, at ang mananalo ay maaaring dumiretso sa LTO para bayaran ang rehistro at makuha ang unit.

Facebook Comments