Posibleng nagkakaroon ng sabwatan ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ibang ahensiya ng goyerno kaya nakakalusot sa bansa ang maging ang smuggling ng gulay.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, sa unang border check ay binubuksan ang container van sa harap ng mga taga-BOC at kinatawan ng ibang ahensya ng gobyerno.
Posibleng dito na aniya nagkakaroon na ng sabwatan sa pagcheck ng mga gulay pagkarating nito sa bansa.
Hindi naman ito itinanggi ni Customs Atty. Jet Maronilla na baka may mga tauhan silang sangkot sa smuggling.
Isa naman ito sa kanilang iniimbestigahan.
Sa ngayon, hindi pa masabi ng Customs kung gaano kadami ang napuslit na mga na-smuggle na gulay.
Facebook Comments