BOC Chief, inabswelto ng Pangulo sa katiwalian; mga empleyado ng PhilHealth at BI na sangkot sa katiwalian, masisibak na sa trabaho

Nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero kahit pa nagpapatuloy ang talamak na korapsyon sa ahensiya.

Sa katunayan, inabswelto ng Pangulong Duterte si Guerrero sa mga nangyayaring katiwalian sa Customs kung saan kuntento siya sa trabaho nito at maganda ang ipinapakita nito sa kaniyang pamumuno.

Sinabi pa ng Pangulo na marami na rin sinibak sa puwesto si Guerrero sa BOC dahil sa katiwalian.


Dagdag pa ng Pangulo na 20 ang na-dismiss sa BOC habang nasa 4 ang suspendido, 135 ang under investigation at 45 ang nakasuhan ng kasong administratibo.

Samantala, marami pang mga empleyado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa katiwalian ang masisibak sa trabaho sa susunod na buwan.

Matatandaan na ikinadismaya ng Pangulo ang ‘pastillas’ scheme sa Immigration at ang P15 bilyong anomalya sa PhilHealth.

Facebook Comments