Hindi kakasuhan ng Anti-Smuggling Law ng Bureau of Customs (BOC) ang mga flight crew member ng isang eroplano na nagpasok ng sibuyas, lemon, at strawberries na pasalubong anila sa kanilang pamilya.
Ayon kay BOC Spokesperson Arnaldo dela Torre, tanging ang pagkumpiska lamang sa mga bagahe ang kanilang ginawa.
Gayunpaman, maaari aniya silang umaksyon sa ginawa ng mga ito dahil sa kawalan ng kaukulang permit.
Dagdag pa ni Dela Torre, mandato ng BOC na kumpiskahin ang ganitong uri ng mga produkto, maliit man o malaking volume, kung walang kaukulang dokumento, alinsunod sa Presidential Decree 1433.
Pangunahing layunin kasi aniya ng batas na proteksyunan ang industriya ng agrikultura ng bansa at mga posibleng sakit na maidudulot ng mga ipinasok na bagahe.