Ilulunsad ng Bureau of Customs o BOC ngayong araw ang Modernized Information Systems nito, na layong magsulong ng “transparency” at mabawasan ang “human intervention” sa mga transakyon.
Ayon sa BOC, sa isang aktibidad na gagawin sa isang hotel mamayang alas 2 ng hapon, ipapakita sa mga panauhin ang pinaka-bagong sistema sa pamamagitan ng live demo at hands-on demonstration.
Ang tema nito ay “The Improved BOC: Seamless and Simplified.”
Hangad din ng bagong modernization project na maisulong ang streamline sa mga proseso at operasyon, para na rin matuldukan na ang kurapsyon sa BOC.
Sa proyekto, gagamit na ng bagong computer system sa lahat ng Ports sa buong bansa.
Kabilang na rito ang Goods Declaration Verification System, Customs Care Portal (Ticketing System), National Value Verification System, gayundin ang Document Tracking System, at Office of the Commissioner Dashboard and Alert Order Monitoring System.