BOC, mas pinaigting pa ang pakikipag-ugnayan sa DOJ laban sa mga smuggler

Nagpulong sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Commissioner Bienvenido Rubio para mapalakas pa ang Department of Justice-Bureau of Customs (DOJ-BOC) Task Force laban sa mga smuggler.

Bukod dito, nais din nila na mapaganda pa ang ilang mga hakbang para sa pagsasampa ng kaso.

Kaugnay niyan, muling binalikan ng DOJ at BOC ang ilang polisiya at mga circular para maresolba ang pagkaantala at mapabilis ang komunikasyon gayundin ang proseso ng mga naisampang kaso.


Iminungkahi pa ng Customs na magsagawa ng BOC-DOJ Legal Summit.

Ito’y para mapalakas pa ang ugnayan at kakayahan ng BOC sa usapin ng prosekusyon at upang malaman rin ng DOJ ang mga proseso sa customs na napatunayang naging matagumpay sa pagsasampa ng kaso laban sa mga smuggler at iba pang gumagawa ng iligal.

Suportado at handang makipagtulungan si Remulla sa BOC para sa transparency at accountability kung saan maipakita rin nito ang kakayahan ng adminsitrasyon pagdating sa usapin criminal justice system sa bansa.

Facebook Comments