BOC, may paalala sa mga biyaherong nagbabalak mag-uwi ng gulay sa Pilipinas

Pinaalalahanan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga biyahero hinggil sa mga panuntunan sa pag-uuwi ng mga gulay sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagkakasabat ng ahensya sa halos 40 kilo ng agricultural products, gaya ng sibuyas, sa sampung crew ng Philippine Airlines.

Sa social media post ng ahensya, sinabi nito na hindi maaaring mag-uwi ng mga gulay sa bansa, anuman ang dami nito, nang walang kaukulangan clearance permits mula sa Bureau of Animal Industry (BPI).


Kabilang rito ang Plant Quarantine Clearance kung para ito sa personal use o ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearance kung para naman sa commercial use.

Sinuman o anumang kompanya na nagbabalak mag-uwi ng mga halaman o plant products mula sa ibang bansa ay kinakailangang magsumite ng aplikasyon para sa mga kinakailangang permit sa National Plant Quarantine Services Division ng BPI bago ang importasyon.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng peste sa mga pananim sa bansa.

Facebook Comments