Tuesday, February 24, 2026

BOC, nagbabala sa naitatalang pagpuslit ng iligal na droga sa pamamagitan ng OFWs

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa dumadalas na paggamit ng mga sindikato sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa pagpuslit ng iligal na droga.

Batay sa impormasyon nakalap ng BOC, ilan sa mga ginagawa ng mga sindikato ay ang pag-recruit sa mga indibidwal para sa trabaho sa ibang bansa tulad ng pagiging domestic helper.

Kabilang din ang paggamit ng alok na libreng “tour” o fully sponsored na biyahe upang makumbinsi na bumiyahe kung saan pinaniniwalaang inilalagay ang droga sa bagahe nang hindi alam ng mismong OFWs.

Dahil dito, patuloy na pinalalakas ng BOC ang mga hakbang sa border control upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.

Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ang BOC sa Department of Migrant Workers (DMW) upang matiyak na maiparating sa mga OFWs ang kaukulang paalala at impormasyon hinggil sa ganitong uri ng panlilinlang.

Binigyang-diin ni Commissioner Ariel Nepomuceno na mahalagang maprotektahan ang mga OFW laban sa mga sindikatong nagsasamantala sa hangarin nila na makapagtrabaho para sa pamilya.

Facebook Comments