BOC, nakakolekta ng ₱883.62 bilyong buwis noong 2023

Ibinida ng Bureau of Customs (BOC) ang mataas na koleksyon ng buwis noong 2023.

Ayon kay BOC Deputy Commissioner Micheal Fermin, umabot sa ₱883.62 bilyon ang nakolekta ng kanilang hanay noong nakaraang taon.

Mas mataas ito ng ₱9.45 bilyon kumpara sa target colllection na ₱874 bilyon.


Nasa 980 na border control at protection, operation ang isinagawa ng BOC kung nasa ₱43.3 bilyong halaga ng kontrabando ang nakumpiska.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga pekeng bag, wallet, sapatos at iligal na droga na nagkakahalaga naman ng pitong bilyong piso.

Facebook Comments