Friday, February 27, 2026

BOC, nakakolekta ng higit ₱100-milyon sa ginawang public auction ng mga luxury vehicles ng Discaya

Aabot sa higit sa ₱102 milyon ang nalikom ng pamahalaan mula sa ginawang public auction ng Bureau of Customs (BOC) sa mga luxury vehicles na nakumpiska mula sa pamilya Discaya.

Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na mabawi ang perang nawala mula sa mga ghost at palpak na flood control projects na pinagkitaan ng mag-asawa.

Ang naturang halaga ay mula sa 9 na naibenta sa apat na beses na auction mula sa kabuuang 13 luxury vehicles ng mga Discaya.

Kaugnay nito, susubukan pa rin ng BOC na maisubasta ang natitira pang 4 na mamahaling sasakyan ng mga Discaya na una nang kinumpiska ng gobyerno.

Ang nasabing halaga na nakolekta ng BOC ay ililipat sa National Treasury para magamit ng pamahalaan bilang pondo sa pagsasagawa ng iba pang proyekto.

Facebook Comments