BOC, nakakumpiska agad ng mahigit P100 million halaga ng smuggled na sigarilyo ngayong 2026

Umabot na sa mahigit isandaang milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) mula nang pumasok ang bagong taon.

Ayon sa BOC, bahagi ito ng pinaigting na crackdown laban sa mga sindikato na sangkot sa smuggling.

Mula nang pumasok ang 2026, nasa P105.5 million na halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nakumpiska matapos ang isinagawang inspeksiyon sa isang compound sa Barangay Santa Isabel, Dinalupihan, Bataan.

Ito ay matapos madiskubre ang 12 sasakyan na naglalaman ng mahigit isang kilong kaha ng sigarilyo na nagmula China, Vietnam at Korea.

Batay sa imbestigasyon, nakatakdang ibagsak ang mga smuggled na yosi sa Cagayan Valley at Central Luzon.

Muli namang tiniyak ng Customs na patuloy nilang paiigtingin ang kooperasyon sa iba’t ibang ahensiya upang mapigilan ang pagpasok ng mga smuggled na produkto.

Facebook Comments