Ibinida ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na nalagpasan nila ang kanilang target collection para sa buwan ng Setyembre ngayong taon.
Ayon sa BOC, umaabot sa ₱71.5 bilyon ang kanilang koleksyon para sa nakaraang buwan kung saan mas mataas ito ng ₱17.6 bilyon o katumbas ng 28.4%.
Paliwanag ng BOC, ito ay bunsod ng mas matinding pagpapatupad ng border control measures kung saan patuloy na pumupuno sa mga revenue leakage ng ahensya at nagpapalakas sa trade facilitation at revenue collection performance.
Dahil dito ay patuloy ang positive performance ng BOC sa taong 2022 kung saan ang nakolekta nito ay mas mataas ng 17.8% kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Facebook Comments