BOC, nalampasan na ang target collection para sa buwan ng Nobyembre

Naabot na ng Bureau of Customs (BOC) ang target na koleksiyon nito para sa buwan ng Nobyembre at ngayong 2022.

Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, umabot na sa P76 billion ang nakolektang buwis ng ahensiya noong nakaraang buwan, mas mataas ito ng P16 billion o 26 percent sa P60 billion na target.

Sa kabuuan, nasa P790-billion na ang kinita ng ahensiya mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.


Nakamit na rin ng BOC ang pinakamataas na target na koleksiyon ngayong taon na P721.52-billion sa unang linggo pa lamang ng Nobyembre.

Nangangahulugan ito na umabot na sa P68.781 billion o 9.5 percent na higit sa taunang target pagsapit pa lamang ng a-trenta ng Nobyembre.

Facebook Comments