Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit ₱56,000,000 na halaga ng iligal na droga.
Ayon sa BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nahuli rin ang tatanggap ng produkto na mula pa sa Cavite batay sa control delivery operation.
Sa inilabas na impormasyon ng mga awtoridad, galing Amerika ang package na dumating noong December 17.
Nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad kung kaya masusing inimbestigahan at binusisi ang laman ng package.
Doon nakumpirma ng PDEA at BOC base sa chemical analysis na shabu ang mga ito.
Nag-isyu na ng warrant si District Collector Erastus Sandino Austria, laban sa nagpadala at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act in Relation to Republic Act 9165.
Samantala, sa datos ng ahensya ito na ang pinakamalaking record ng nahuling iligal na droga sa Port of Clark ngayong 2023.