BOC official na nasangkot sa P6.4B shabu shipment, tuluyan nang nagbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Customs Deputy Commissioner Gerardo Gambala matapos ang kontrobersyal na 6.4 bilyong pisong shipment ng shabu.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, irrevocable resignation ang inihain ni Gambala.

Paliwanag ni Lapeña may dalawang linggo na umano ang inihaing resignation letter ni Gambala.


Dagdag pa ni Lapeña, nais umano ni Gambala na magkaroon ng oras sa kanyang pamilya kung kayat nagpasya siyang magbitiw na sa pwesto.

Sa ngayon, si Lapeña na muna ang magti-take over sa mga naiwang trabaho ni Gambala.

Bukod kay Gambala, naghain na rin ng resignation si Deputy Commissioner Ariel Nepumuceno dahil sa personal na kadahilanan.

Facebook Comments