BOC, pansamantalang sinuspinde ang tax calculator matapos ang reklamo ng isang aktres

Pansamantala munang sinuspinde ang tax calculator ng Bureau of Customs (BOC) matapos ang reklamo ng publiko at ng aktres na si Bella Padilla.

Ito’y kaugnay ng isyu sa Online Duty at Tax Calculator ng ahensya matapos magkaproblema ang aktres sa pagbabayad ng buwis para sa isang package.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, bagama’t tama ang pinal na assessment ng duties at taxes na nakabatay sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at mga kaugnay na regulasyon, aminado ang BOC na hindi pa kumpleto ang impormasyon na naibibigay ng calculator.

Kung kaya nagkaroon ng hindi pagkakatugma sa aktuwal na singil at sa inaasahang halaga ng ilang nag-avail ng serbisyo.

Samantala, target ng ahensiya na maglabas ng isang mas malinaw at mas detalyadong bersyon na regular na ia-update upang maging mas transparent at kapaki-pakinabang para sa publiko.

Nananatili namang pangunahing layunin ng BOC ang pagiging tapat, tama, at tuloy-tuloy na pagpapahusay sa kanilang proseso para sa mas maayos na paglilingkod sa publiko.

Facebook Comments