
Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang shipment ng shabu sa Manila International Container Port sa North Harbor, Manila.
Sa ulat ng PDEA, aabot sa ₱278 million ang halaga ng shabu na tumitimbang ng tinatayang 41 kilo.
Natuklasan ang tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga ng dumaan sa X-ray screening process ng BOC at Narcotics Detection Dogs ng PDEA.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, malaki ang naitulong sa operasyon ng information sharing mula sa foreign counterparts.
Ang pagkakumpiska ng napakaraming illegal drugs ay hindi lamang kumakatawan sa isang malaking tagumpay sa pagpapatupad ng batas kundi pati na rin sa isang malaking epekto sa lipunan.










