BOC, pinabulaanan ang kumakalat sa online na ginagamit ang nakumpiskang sasakyan ng mga Discaya

Pinabulaanan ng Bureau of Customs (BOC) ang kumakalat na maling impormasyon sa online na ang isang Rolls-Royce vehicle na nakumpiska mula sa pamilya Discaya ay nakitang ginagamit at ipinapasyal sa Metro Manila.

Ayon sa BOC, ang nasabing sasakyan at ang iba pang luxury vehicles ng Discaya ay nananatiling nasa kustodiya ng ahensya at hindi ito nailalabas.

Ang lahat ng mga nasabat na sasakyan ay mahigpit na binabantayan ng customs police at nasa maayos na imbentaryo.

Ito’y upang maiwasan ang anumang hindi awtorisadong paggalaw, paggamit o paglabas ng mga sasakyan.

Giit pa ng BOC, makikita sa kumakalat sa online na ang plaka ay NFG 1949, na magkaiba sa orihinal na plaka ng sasakyan ng mga Discaya na nagtatapos sa numerong 889.

Paliwanag pa ng BOC, ang anumang hindi awtorisadong paglabas sa mga nakumpiskang bagay ay paglabag sa mga umiiral na regulasyon sa customs kung saan maaaring maparusahan ng administratibo at kriminal ang sinuman mahuhuling gumagawa nito.

Facebook Comments