BOC, pinuri ng ilang opisyal dahil sa sobrang nakolekta

Pinuri ni House Ways and Means Committee Chairperson Joey Sarte Salceda ng Albay ang Bureau of Customs (BOC) sa nakolekta nito noong Abril na lagpas sa kanilang target.

Ayon kay Salceda, maayos at maganda ang naging resulta ng trabaho ng BOC na isa sa pinanggagalingan ng pondo na ginagamit ng pamahalaan sa mga programa at proyekto nito.

Pinuri at pinasalamatan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga empleyado at stakeholder ng ahensya sa kanilang dedikasyon at masigasig na pagtratrabaho na nagreresulta sa magandang performance ng BOC.


Matatandaan na nakakolekta ang BOC ng P68.27 noong Abril lagpas sa P68.19 bilyon na target nito kung saan kasamang pinuri ng kongresista ang BIR o Bureau of Internal Revenue dahil sa mga naging performance nito katuwang ang customs.

Sa record ng BOC sa unang apat na buwan ng taon ay nakakolekta sila ng P281.90 bilyon na lagpas sa target nitong P265.220 bilyon.

Mas mataas naman ito ng 10.89% sa nakolektang P254.22 bilyon sa unang apat na buwan ng 2022.

Nitong April 28 ay naitala rin ng BOC ang pinakamalaking daily collection nito na umabot sa P7.510 bilyon kung saa binura nito ang rekord na P6.07 bilyon na naitala noong October 14, 2022.

Sa kabila ng magandang performance ng BOC, mnanatil at patuloy ang kanilang paghihigpit sa seguridad upang matigil na ang smuggling at pagpasok ng mga iligal sa ating bansa.

Facebook Comments