
Ngayong panahon ng Kapaskuhan, tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na maaayos at makararating sa bawat pamilya ang lahat ng balikbayan boxes na ipinapadala ng overseas Filipino workers (OFW).
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, inatasan niya ang lahat ng tauhan na siguraduhin na walang magiging problema sa pagpapadala ng balikbayan boxes.
Pinapabilis din ni Nepomuceno ang proseso ng mga naka-pending na shipments upang makarating agad ang mga kahon sa pamilya ng mga OFW.
Bawat balikbayan box ay inasikaso ng binuong Balikbayan Action Center (BAC) upang mapangalagaan ang kargamento at maiwasan ang anumang aberya. Ang naturang tanggapan ang tatanggap ng mga reklamo ng pamilya ng mga OFW, tulad ng sirang kahon, mabagal na delivery, o nawawalang padala.
Batay sa datos ng BOC, nasa 1,000 container vans na may lamang humigit-kumulang 460 balikbayan boxes ang dumarating sa bansa kada buwan.









