BOC, tinitiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng Customs Modernization and Tariff Act sa gitna ng imbestigasyon sa pamilya Discaya

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang dedikasyon sa paglaban sa smuggling at tamang pagkolekta ng duties at taxes alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kasabay nito, sinusuportahan ng BOC ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga anomalya sa flood control projects.

Matatandaan na lumutang din sa imbestigasyon ang isyu ng mga luxury vehicles na pag-aari ng pamilya Discaya.

Ayon sa BOC, anumang iregularidad sa pag-import ng mga luxury vehicles, tulad ng misdeclaration o hindi pagbabayad ng duties at taxes ay malinaw na paglabag sa ilalim ng CMTA.

Bagama’t hindi maaaring ibunyag ang mga detalye ng kasalukuyang imbestigasyon, tiniyak ng BOC sa publiko na mananatili silang matatag sa pagpapatupad ng batas.

Tuloy-tuloy lang din ang kanilang trababo kung saan sisiguraduhin ng BOC na mananagot sa batas ang mga indibidwal na lumalabag sa patakaran ng ahensiya.

Facebook Comments