BOC, tiniyak na papanagutin ang mga nasa likod ng agricultural smuggling sa bansa

Hindi magdadalawang isip ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na tanggalin sa pwesto at kasuhan ang sinumang mga opisyal at tauhan na mapatutunayang sangkot sa sinasabing smuggling ng mga gulay.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni BOC Spokesperson Atty. Philip Vincent Maronilla na nirerespeto nila ang pagsisiwalat ni Sen. Tito Sotto na may ilang mga opisyal ng BOC ang sangkot sa iligal na pagpasok sa bansa ng ilang produktong pang agrikultura.

Aniya, totoo man o hindi siniseryoso nila ito at gagawan ng kaukulang aksyon.


Hinihintay lamang nila ang detalye ng report at impormasyon ng senador at sa sandaling makuha ito ay magsasagawa na sila ng sariling imbestigasyon.

Sa ngayon, patuloy silang nakikipagtulungan sa Department of Agriculture at pinagtitibay ang kooperasyon para sa tinatawag na 2nd quarter inspection.

Facebook Comments