BOC, todo alerto sa pagpasok ng mga produkto mula China

Naka-hightened alert ngayon ang Bureau of Customs sa mga ukay-ukay at iba pang produktong inaangkat mula sa iba’t ibang bansa partikular na sa China.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Customs Assistant Secretary Vincent Maronilla, ang mga gamit na damit, animal products at iba pang imported products ay maituturing na ‘high risk’ dahil malaki ang tyansa na kumapit sa mga ito ang 2019 Novel Coronavirus.

Ayon kay Asec Maronilla, ipinagbabawal naman talaga ang imported used clothing sa bansa, kaya’t walang mawawala kung mas magiging vigilante ang pamahalaan kaugnay rito.


Puspusan na rin ang ginagawa nilang koordinasyon sa Philippine Coast Guard at Department of Health para tutukan ang mga produktong ipinapasok sa bansa.

Humihingi na rin aniya sila ng listahan sa DOH ng mga produktong maituturing na ‘critical items’ o maaaring kapitan ng virus at maipasa sa tao.

Facebook Comments