Pinaigting ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay sa napaulat na pagpasok sa bansa ng kahina-hinalang malaking halaga ng iba’t ibang foreign currencies.
Ayon sa BOC, sa pamamagitan ng puspusang monitoring ay natukoy na nila ang mga passenger-courier na nagbitbit ng malalaking halaga ng perang dayuhan.
Sa report ng Intelligence Group ng BOC, nagtutugma ang kanilang figures na isinumite sa Anti-Money Laundering Council o AMLC at sa figures na binanggit ni Senator Richard Gordon.
Nabatid na nasa $160 million ang naipasok sa bansa ng mga Chinese nationals mula December 2019 hanggang February 2020.
Sa kabila nito ay tiniyak din ng ahensiya na nakikipagtulunganna sila sa AMLC, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang intelligence at mga law enforcement agency kasama na rito ang Kongreso upang matigil na ang ilegal na pagpasok ng foreign currencies sa bansa.