Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang bodega ng mga harina sa Sgt. Rivera St., Quezon City.
Sa isinagawang operasyon, tumambad sa BIR ang mga libo-libong sako ng harina.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., hindi rehistrado at hindi nagbabayad ng tamang buwis ang naturang bodega mula pa noong 2019.
Nag-ugat ang operasyon matapos ang test spy na isinagawa ng BIR.
Napag-alaman din ng ahensya na hindi rehistrado ang mga resibo at mano-mano lamang na ginagawa.
Inilalako raw ng mas mura ang mga harina sa mga panaderya kung kaya’t kawawa umano ang mga distributor na nagbabayad ng tamang buwis.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang inventory ng mga awtoridad sa naturang bodega.
Facebook Comments