BODEGA NG MGA GAMIT SA BAHAY, NASUNOG SA DAGUPAN CITY

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Brgy. Bolosan, Dagupan City pasado alas onse ng gabi, araw ng Martes.

Sa nakalap na impormasyon ng IFM News Dagupan, bodega ng Isang gamit sa bahay ang natupok na gusali.

Napansin umano ng mga caretaker ng bodega na nagkakaroon na ng sunog sa loob ng warehouse kung kaya’t agad na sinira ang gate ng gusali upang sila ay makapasok at subukang apulahin ang apoy.

Ilang tanod din ang nagroronda sa lugar nang makita ang insidente kung kaya’t agad itong tinawag sa bumbero upang marespondehan.

Umabot sa higit limang fire truck na mula pa sa kalapit na bayan ang rumesponde sa lugar ng sunog na Itinaas sa FIRST FIRE ALARM.

Mga gamit sa bahay na gawa sa plastic ang laman ng bodega kaya mabilis na kumalat umano ang apoy.

Walang naitalang nasugatan sa insidente.

Inaalam na ng awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala at posibleng pinagmulan ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments