BODY CAMERA | PNP Chief, nagpatulong sa LGUs

Manila, Philippines – Hinimok ni Police Director General Ronald Dela Ronald Dela Rosa ang mga Local Government Units na tumulong sa pagbili ng body camera para sa mga pulis na kanilang gagamitin sa kanilang Anti-Drug Operations.

Ayon kay PNP Chief, hindi raw kasi kakayanin ng PNP na makabili agad ng sapat na body camera para sa mga pulis kaya kailangan nila ang suporta ng mga LGU.

Lalo na ang mga mayayaman na mga probinsya, lungsod at bayan.

Naniniwala si PNP Chief na maraming kontrobersya ang maiiwasan kapag may gamit nang body camera ang mga operatiba ng PNP sa war on drugs.

Sa kasalukuyan ang Quezon City Government pa lamang ang nagbigay ng commitment na bibili ng mga body camera para sa mga Anti-Drug Operatives ng Quezon City Police District.

Facebook Comments